My Life, My Choice

Monday, June 12, 2006

Lunes na naman...

Lunes na naman. Tapos na naman ang kinakailangang apat-na-pung oras na dapat kung igugol sa aking trabaho para maiwasang a) mag-ka memo b) mapagkamalang naghahanap ng ibang mapapasukan o masaklap sa lahat c)masibak dahil sa dami ng call-outs.
Grabe kagabi. Sobrang nakakapagod...nagwala ba naman yung isang residente ko. Gustong manapak dahil sa hindi niya malaman kung bakit siya nawiwindang. Pero mas nakakaloka ngayong umaga -- habang sinusulat ko itong aking diwa pilit na pumapasok sa isip ko...bakit mas madaling magsalita ng Filipino pero ang hirap magsulat sa Filipino. Bakit?